Mga Post

PAGKAWALA NG KALAYAAN SA KABATAAN

Nawawalan ng kalayaan ang kabataan dahil sa kanilang sariling kagagawan, dahil sa hindi paggabay ng magulang ay nawawala sa landas ang ibang kabataan kaya't nawawalan ito ng kalayaan. Kalayaang mabuhay ng masaya at mapayapa. Maraming kabataan ang nagkakapamilya kaagad, hindi na nakakapag-aral dahil mas gugustuhin na lamang magpabuntis. Walang sapat na edukasyon para sakanila, walang nagbibigay ng leksiyon at payo dahil pinabayaan nalang ng mga magulang. Kaya't ngayon palang ay gumawa na tayo ng paraan upang hindi na ito maranasan ng mga kabataan sa susunod na henerasyon. Mag-isip tayo kung ano ang tama. Hindi lang pwedeng masaya ka, dapat tama rin at makakabuti sa iyong kalayayan ang bawat desisyon na iyong pipiliin.

PAGKAKAROON NG KALAYAAN SA KABATAAN

Nagkakaroon ng kalayaan ang mga kabataan dahil din sa kanilang mga magulang. Lingid sa ating kaalaman na ang mga kabataan ay hindi nakikita ang tunay na kulay ng mundo,ang mga pangyayari sa mundo,at reyalidad ng mundo dahil sila ay 'di pinapayagan ng kanilang magulang na lumabas dahil sa kapahamakang dala ng mundo sa kanilang anak. Lahat ng kabataan ay may karapatan, may karapatang maging malaya na gawin ang gusto nila sa buhay, ngunit alam kung ano ang tama at mali. Malayanh sabihin ang gusto nilang sabihin. Lahat ng kabataan ay nararapat na masubukang tumayo sa sarili nilang mga paa at wag umaasa sa mga magulang para hindi masanay na nariyan ang mga ito parati. Ayaw man nating isipin pero kilangan tanggapin na mawawala rin sila.Sabi nga ni Rizal na"ang kabataan ang pag-asa ng bayan". Kaya't gawin natin ang ating tungkulin, gawin natin ang nararapat at tama dahil pag-asa tayo ng ating bayan.May magagawa tayong lahat lalo na ang kabataang tulad ko para mapabuti ang at...

ANO ANG KALAYAAN?

Ang kalayaan ay mahalagang karapatan ng lahat tao. Ito ay ang hindi paggapos o pagpigil sa anumang iyong gusto at nilalayon sa buhay, walang kang sinusunod at walang kumkontrol sa iyo. Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapahusay at magpapasaya sa iyo. Malaya kang gumalaw, magsalita, magdesisyon, at magsagawa ng mga bagay sa ikakaunlad at ikasasaya ng iyong sarili. Wala kang magiging anumang inaala-alang maliit o malaki bagay sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, panatag, at maligaya ka sa pagtupad ng mga gustuhin mo sa buhay.