PAGKAWALA NG KALAYAAN SA KABATAAN
Nawawalan ng kalayaan ang kabataan dahil sa kanilang sariling kagagawan, dahil sa hindi paggabay ng magulang ay nawawala sa landas ang ibang kabataan kaya't nawawalan ito ng kalayaan. Kalayaang mabuhay ng masaya at mapayapa. Maraming kabataan ang nagkakapamilya kaagad, hindi na nakakapag-aral dahil mas gugustuhin na lamang magpabuntis. Walang sapat na edukasyon para sakanila, walang nagbibigay ng leksiyon at payo dahil pinabayaan nalang ng mga magulang. Kaya't ngayon palang ay gumawa na tayo ng paraan upang hindi na ito maranasan ng mga kabataan sa susunod na henerasyon. Mag-isip tayo kung ano ang tama. Hindi lang pwedeng masaya ka, dapat tama rin at makakabuti sa iyong kalayayan ang bawat desisyon na iyong pipiliin.
Mga Komento