PAGKAKAROON NG KALAYAAN SA KABATAAN
Nagkakaroon ng kalayaan ang mga kabataan dahil din sa kanilang mga magulang. Lingid sa ating kaalaman na ang mga kabataan ay hindi nakikita ang tunay na kulay ng mundo,ang mga pangyayari sa mundo,at reyalidad ng mundo dahil sila ay 'di pinapayagan ng kanilang magulang na lumabas dahil sa kapahamakang dala ng mundo sa kanilang anak. Lahat ng kabataan ay may karapatan, may karapatang maging malaya na gawin ang gusto nila sa buhay, ngunit alam kung ano ang tama at mali. Malayanh sabihin ang gusto nilang sabihin. Lahat ng kabataan ay nararapat na masubukang tumayo sa sarili nilang mga paa at wag umaasa sa mga magulang para hindi masanay na nariyan ang mga ito parati. Ayaw man nating isipin pero kilangan tanggapin na mawawala rin sila.Sabi nga ni Rizal na"ang kabataan ang pag-asa ng bayan". Kaya't gawin natin ang ating tungkulin, gawin natin ang nararapat at tama dahil pag-asa tayo ng ating bayan.May magagawa tayong lahat lalo na ang kabataang tulad ko para mapabuti ang ating bayan. Ang kailangan natin ay pagkakaisa, pagtutulungan, at respeto.Kalayaan ang nais mga kabataan pero wag natin itong abusin at gamitin ng wasto. Magkaroon ng limitasyon sa buhay wag tayong maging ibon na lipad lang nang lipad.Matutong huwag mang-abuso.
Mga Komento